-Justine Agpaoa
Monday, 11 August 2014
Ano nga ba ang Yamang Lupa ?!
Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.
Isa sa mga magagandang Yamang Lupa na nating dapat pahalagaan
Ito ang isa sa mga Yamang Lupa na dapat nating pahalagaan. Isa na dito ang Chocolate Hills.
Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, PilipinasMayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi).Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan
-Justine Agpaoa
Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, PilipinasMayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi).Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan
-Justine Agpaoa
Ang Banaue Rice Terraces!
Ang Banaue Rice Terraces o ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay 2000-taong gulang na mga taniman na nilolok sa mga bulubundukin ng Ifuagao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayang Batad.Ito ay gawa laman ang mga palayang ito sa kaunting at karamihang gawa na gamit ang kamay.Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro. Ito ay bilang ikawalaong kahagahangang Pook sa mundo at ang estruktura ay umaabot ng mahigit kumulang sa 2,000 hanggang sa 6,000 taong gulang.Matatagpuan ito sa Apayao,Benguet,Lalawigang Bulubundukin at Ifugao.Ito ay isang mahalagang likas na yaman at dapat alagaan dahil ito ay nagsisilbing tulay ang mga ito at ipinapakita nito ang galling ng mga ninuno natin sa Pilipinas.
Mayon Volcano !
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.
-Patrick Madrelejos
Yamang lupa dapat nating pahalagaan !
Ang yamang lupa ay dapat pinapahalagahan dahil ito ay nagbibigay ng positibong ambag sa lipunan. Sa panahon ngayon ay unti-unti nang nasisira ang yamang lupa dahil sa kagagawan ng mga tao, ngunit hindi pa huli ang lahat para mabago ang maling gawain. Huwag nating hayaan at hintayin na tuluyang masira ito dahil tayo rin naman ang nakikinabang dito. Pahalagahan natin ito sa pamamagitan ng pagaalaga at bigyan ng importansya. Kapag hindi ito aalagaan ay magkakaroon ng masasamang epekto na hindi makakabuti sa atin. Marami na tayong naranasan na nagbibigay babala sa atin na alagaan ang kapaligiran tulad ng flashfloods at landslides, ang sanhi nito ay pag abuso sa kalikasan at pagputol sa mga puno. Sana ngayon ay matuto at magkaroon ng pagbabago, simulan natin ito sa ating mga sarili.
-Patrick Jimenez
Ang Pagkasira ng Likas na Yaman
Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Meron tayong kabundukan, kalupaan, katubigan, at kagubatan. Ngunit ano ang nangyayari sa mga likas na yamang ito?. Sa nakalipas na taon unti unting nasisira ang likas na yaman ng bansa. Sabay ng pagkasira ng Likasn na yaman ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kung saan apektado ang tirahan ng mga mamamayan at kanilang hanap-buhay. Bakit nga ba nasisira ang likas na yaman ng bansa? Ang dahilan ng pagkasira ng yaman ng bansa ay ang mga mamamayan. Dahil sa kulang sa disiplina at maling gamit ng likas na yaman ng bansa. Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay ang matitinding epekto ng kalamidad sa bansa. Isa sa dahilan nito ay ang pagkasira ng mga kagubatan dahil walang sumisipsip ng tubig sa lupa kay nagkakabaha. Isa pa ay ang landslide dahil di sapat ang lakas ng bundok upang tumayo dahil kulang ang mga puno na humahawak dito. Ang pagkasira ng coral reefs at pagkamatay ng maliliit na isda dahilan ng pagkawala ng hanap buhay ng ibang mangigisda. Dahil ito sa maling systema ng ibang mangingisda na nagreresulta sa pagkasira ng likas na yaman ng bansa.
- Neil Alamillo
- Neil Alamillo
Subscribe to:
Posts (Atom)