Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Meron tayong kabundukan, kalupaan, katubigan, at kagubatan. Ngunit ano ang nangyayari sa mga likas na yamang ito?. Sa nakalipas na taon unti unting nasisira ang likas na yaman ng bansa. Sabay ng pagkasira ng Likasn na yaman ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kung saan apektado ang tirahan ng mga mamamayan at kanilang hanap-buhay. Bakit nga ba nasisira ang likas na yaman ng bansa? Ang dahilan ng pagkasira ng yaman ng bansa ay ang mga mamamayan. Dahil sa kulang sa disiplina at maling gamit ng likas na yaman ng bansa. Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay ang matitinding epekto ng kalamidad sa bansa. Isa sa dahilan nito ay ang pagkasira ng mga kagubatan dahil walang sumisipsip ng tubig sa lupa kay nagkakabaha. Isa pa ay ang landslide dahil di sapat ang lakas ng bundok upang tumayo dahil kulang ang mga puno na humahawak dito. Ang pagkasira ng coral reefs at pagkamatay ng maliliit na isda dahilan ng pagkawala ng hanap buhay ng ibang mangigisda. Dahil ito sa maling systema ng ibang mangingisda na nagreresulta sa pagkasira ng likas na yaman ng bansa.
- Neil Alamillo
Im so thankful that you wrote this hope you read it.......For the writer of this i'm so thankful....πππππππ
ReplyDeleteMe tooπππππ
Deleteπ
ReplyDelete