-Patrick Jimenez
Monday, 11 August 2014
Yamang lupa dapat nating pahalagaan !
Ang yamang lupa ay dapat pinapahalagahan dahil ito ay nagbibigay ng positibong ambag sa lipunan. Sa panahon ngayon ay unti-unti nang nasisira ang yamang lupa dahil sa kagagawan ng mga tao, ngunit hindi pa huli ang lahat para mabago ang maling gawain. Huwag nating hayaan at hintayin na tuluyang masira ito dahil tayo rin naman ang nakikinabang dito. Pahalagahan natin ito sa pamamagitan ng pagaalaga at bigyan ng importansya. Kapag hindi ito aalagaan ay magkakaroon ng masasamang epekto na hindi makakabuti sa atin. Marami na tayong naranasan na nagbibigay babala sa atin na alagaan ang kapaligiran tulad ng flashfloods at landslides, ang sanhi nito ay pag abuso sa kalikasan at pagputol sa mga puno. Sana ngayon ay matuto at magkaroon ng pagbabago, simulan natin ito sa ating mga sarili.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment